HINDI ko direktang tinitingnan si Stanley pero nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na tahimik siya’t mataman lamang na nakatitig sa akin. “Now. Let’s proceed with ‘those’ and ‘these,’ who wants to provide examples for these two demonstrative pronouns that we have?” “Those recent f*******: posts of Mr. Stanley Rhys were coming from his heart and pure love for someone,” ani Noah na nanunukso din. Kung nakamamatay lamang ang paraan ng pagkakatitig, malamang sa malamang kanina pa humandusay sa sahig itong sina Noah at Jude. Para bang nakikita ko sa mukha ni Stanley ang pagkairita at pagkabanas dahil nananahimik siya mula kanina tapos siya na naman itong nakita ng mga kaibigan para asarin. “These people inside the classroom support StanRa loveteam! Yohooo!” dugtong pa ng baliw na tila lalo