Kabanata 40

1015 Words

Tumigil ako sa pagtakbo nang makarating ako sa isang saradong tindahan. Hindi ko naisip na makikita ko roon si Warren. Pagkatapos naming mag-usap at masabi ko lahat ng hinanakit ko pakiramdam ko mas lalong tumitindi ang sakit na nararamdaman ko. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata na patuloy pa rin sa pag-agos. Mabuti na rin ito na nakapag-usap na kami ni Warren. At tinapos ko na kung anuman ang relasyon naming dalawa. Tama na ang sakit na inihatid niya sa akin. Kailangan ko na siyang kalimutan para makapagsimula akong muli. Huminga ako nang malalim at muling pinahid ang luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung gaano katagal bago maghilom ang sugat sa puso ko. Ngunit kakayanin kong lampasan ang pagsubok na ito sa buhay ko. Muli akong humugot ng malalim bago magpasyang maglakad pauw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD