Dalawang linggo na ang nakakalipas mula noong umalis ako sa poder ng aking Tita Cora. Dalawang linggo na rin akong walang maayos na tulog at hindi na rin ako maganang kumain. Napapaginipan ko pa rin ang nangyari noong umalis ako at para iyong bangungot na paulit-ulit na dumadalaw sa akin gabi-gabi. "Shanta, hindi ka pa ba papasok sa school? Nag-aalala ako baka maapektuhan ang grades mo at hindi ka makapasa ngayong semester," sabi ni Vlad sa akin. Inaayos nito ang mga gamit nito sa bag. Nag-stay na siya rito na kasama ako ngunit nag-aaral dito hindi kagaya ko. "Pinapaalis mo na ba ako?" Umiling sa akin si Vlad. "To be honest? Natutuwa ako dahil nandito ka at nakikita kita palagi. Pero hindi ako matutuwa kung babagsak ka ngayong semester dahil sa problema na kinakaharap mo. Kailangan mon