KINAHAPUNAN nang araw ring iyon sa may terrace naglagi si Sara. Nagpunta kasi sa palengke si Benjamin para mamili ng ilang kailangan sa kusina. Mula sa pagkakaupo sa paborito na niya ngayong tumba-tumba ay nagsalubong ang mga kilay niya nang matanawan ang isang kulay pulang kotseng tumigil sa tapat ng kanilang gate. At dahil silang dalawa lang ng binata doon ay wala siyang choice kundi ang lapitan iyon. "Hi!" bati sa kanya ng isang magandang babae. Nakangiti siyang tumango. "Anong maipaglilingkod ko?" tanong niya. Noon hinubad ng babae ang suot nitong shades saka nakangiting lumapit sa gate kung saan siya nakatayo. Nagbuka ito ng bibig pero bago ito nakapagsalita ay isang pamilyar na tinig na ang narinig nilang nagmula sa likuran ng babae. "Benj!" masaya nitong sambit saka nagmamadalin