Mia'a POV KUMUNOT ang aking noo nang makita ko ang mommy ni Cedrick sa loob ng bahay. "N-Nay, anong–" "Ah, oo nga pala, anak. Nakita ko siya sa palengke. Kinatutuwaan kasi siya ng mga tao roon. Eh, naawa naman ako kaya sinama ko na rito," paliwanag ni nanay habang inaalalayan ang kasama, saka ito pinaupo sa sofa kung saan kami naroroon. "Halika, maupo ka muna," pag-aya ni nanay. Ngumiti naman ang mommy ni Cedrick at umupo. "Naaawa ako sa kanya kasi hindi niya raw maalala ang pangalan niya, ni hindi niya alam ang bahay niya," wika ni nanay. Tiningnan ko ang mukha ng mommy ni Cedrick, tulala lang ito at diretsong nakatingin sa tv. "Ma'am, kumusta po kayo?" tanong ko sa kanya saka nagbigay ng matamis na ngiti. Hindi siya tumugon sa 'kin. Umangat ang kanyang ulo upang ako ay tingnan, ng