"I love you more, sweetheart… I love you…" umiiyak na sagot ni Devin sa sinabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit at kaagad na inapuhap ang awang kong labi. Gumanti naman ako ng marubdob na halik at dinama ko ang pagmamahal siya sa akin. Sabi ko na nga ba, magiging ganito siya kaemosyonal kapag narinig niya sa akin ang mga salitang ito. Inaasahan ko na 'to noon pa pero hindi ko akalain na iiyak siya ng ganito katindi habang tila sabik na sabik siya na mahagkan ako sa aking labi. Naniniwala na akong sa simula pa lang ay tunay at wagas ang mga pinapadama niya sa aking pagmamahal. Mahal na mahal niya ako to the point na ako ang pipiliin niya kaysa sa kanyang ina. Kaya naman mas lalo siyang napapamahal sa akin sa paglipas ng mga araw. Nakikita ko iyong sobra-sobra niyang effort maipakita lang