"Papatayin kita, Fidel!" Sinugod ko kaagad si Fidel pagkatapos kong marinig ang sinabi niya. Umiiyak sa galit na sumugod ako ng sunod-sunod na suntok subalit hindi ko siya tinamaan dahil nanlalabo sa luha sa aking mga mata. Puro daplis lang ang natamo niya na labis na nagpapainit ng ulo ko. I want to hurt him the way he's hurting me right now. Hindi ko matanggap na binaboy niya si Farrah. Parang hindi ko kayang tingnan si Farrah na luhaan habang pinandidirihan niya ang kanyang sarili. Hindi ko kaya dahil baka una pa akong mabaliw sa kanya. "Ano? Hindi ka makasuntok ngayon? Ang yabang-yabang mo nang nakaraan! Ano? Dahil may dala kang bodyguard kaya para kang kung sino?" tatawa-tawang pang-aasar ni Fidel sa akin. Sabay bira niya ng suntok sa akin at tinamaan niya ako sa aking sikmura. Na