Kabanata 40: Hindi makakaisa

1601 Words

Masama ang gising ko ng umagang ito. Mabuti na lang at narito palagi sa tabi ko si Devin para asikasuhin ako kapag ganitong masama ang gising ko sa umaga dahil sa aking paglilihi. Nagiging maayos lang kasi ang pakiramdam ko kapag nailabas ko na ang nasa loob ng aking tiyan. Siya ang tagahagod ng likod ko na kahit papaano ay nakakatulong upang kumalma ako. Ganito ang routine namin araw-araw sa umaga at salamat naman at napakatiyaga ng aking asawa. "A-ang hirap maglihi, Devin. Bakit kasi binuntis mo ako ng maaga," naiinis na sabi ko habang walang tigil ang aking pagsusuka. Hinang-hina na ako pero ayaw pa rin bumuti ng aking pakiramdam. Nakaluhod kami pareho ni Devin sa tiles na sahig ng banyo. Umiiyak ako habang panay ang suka habang siya naman ay hindi mapakali kung paano niya ako aaluin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD