Kabanata 74: Maayos na ang lahat (Devin's POV)

1610 Words

"Nagsasabi ng totoo ang Mommy mo, son. Lahat ng sinabi niya tungkol sa aming dalawa noon ay totoo. Maging ang kasunduan nila ni Lucy ay totoo kaya maniwala ka, nagsasabi ng totoo si Venice. Si Venus na kakambal ng Mommy mo ang tunay mong ina." "Bakit hindi ninyo sinabi ito sa akin? Maiintindihan ko naman ang lahat at wala namang magbabago kahit malaman kong hindi mo 'ko anak…" tanong ko kay Mommy matapos kong marinig ang sinabi ni Daddy. "Dahil hindi ko naman alam na matatanggap mo rin agad kapag inamin namin sa iyo. Hindi ko na rin ito naisip dahil ang gusto ko ay manatili itong sikreto dahil ayaw kong magbago ang pagtingin mo sa akin, Devin. Mahal na mahal kita, son. Sa sobrang pagmamahal ko sa iyo bilang ina ay nakalimutan kong karapatan mong malaman ang totoo…" umiiyak na sabi ni Mom

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD