Sinilip ko si Farrah sa aming kwarto at napangiti ako nang makita kong tulog na tulog pa rin siya. Mukhang hindi siya dinalaw ngayon ng pagduduwal niya dahil alas-diyes na ay tulog pa rin siya sa aming kama. Napasimangot ako nang makitang napapagitnaan siya ng mga dambuhalang teddy bear na regalo ko sa kanya. Hindi lang iyan, may yakap din siyang teddy bear na labis na nagbibigay ng panibugho sa puso ko. "Magreregalo ka tapos magagalit ka?" tudyo ng utak ko habang nakatingin sa nakapikit kong asawa. Ang sarap ng tulog niya. Medyo naging effective ang pagpunta namin sa ospital noong last week. Hindi na siya masyadong nanaginip ng tungkol kay Fidel at maaga na siyang natutulog sa gabi. Ako naman itong namromroblema kung paano ako makaka-survive ng ilang linggo na wala kaming s****l cont