Masama ang gising ko ng umagang ito. Pagbukas pa lang mga mata ko ay agad na akong bumangon para magtungo ng banyo. Parang maiiyak na hawak ko ang aking bibig habang patakbong pumasok sa banyo at sumuka nang sumuka sa inidoro habang hawak ang aking puson. Naiiyak na ako dahil sobrang sama ng panlasa ko. Sumasabay pa ang pagsakit ng aking ulo na hindi ko alam kung bakit. Maaga naman akong natulog kagabi. Pagkatapos naming mag-usap ni Devin ay masaya akong pumikit. Bakit ganito ang gising ko? Sobrang sama ng aking pakiramdam at hindi ko alam kung makakapasok ba ako sa aking klase. Napahikbi ako ng tahimik at parang gusto kong tawagan si Devin para kumalma ako kahit papaano. Ang timing naman ng ganito. Kung kailan kailangan ko siya ay saka naman ganito ang mga nararamdaman ko. Ayaw tumigi