"May sakit ka ba, Ara?" tanong agad sa akin ni Nanay nang pasukin niya ako rito sa aking kwarto pagkatapos ng tatlong katok sa pinto. Kahit nanghihina ako ay nagawa ko pang lakasan ang aking boses para lang malaman niya na gising ako. Napansin yata ni Nanay na hindi pa ako lumalabas ng kwarto ko simula pa kaninang dumating siya kaya marahil sinadya na niya ako rito ngayong gabi. "Kumain ka na ba? Gusto mo dalhan kita ng pagkain mo rito? Nagluto ako ng sinigang sa miso." Umiling ako habang pinipilit kong maging masigla sa kanyang mga mata. Busog na ako. May pagkain naman akong nakatabi rito sa kwarto ko tulad ng cup noodles at biskwit at ito na lang ang kinain ko nang makaramdam ako ng gutom kanina. Maaga akong kumain ng hapunan dahil plano ko na matulog ng maaga para magpahinga ng maa