AGATHA "Are you okay, hon?" malambing na tanong sa akin ng asawa ko nang matapos siyang maligo. Nagpupunas siya ng katawan, gamit ang puting towel. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya at pinapanood siya kaya bigla akong tinanong. "Oo," tipid at nahihiyang sagot ko. Muntik pa akong mabulol ng ngumiti si Draven sa akin. Daig ko pa tuloy ang kasama ang crush ko, tapos bigla akong napansin kung umakto ngayon sa harap niya. May naging lihim na hinahangaan naman ako noon sa probinsya, pero talagang kakaiba ang epekto ni Draven sa akin. Malayo sa kung paano bumilis ang tìbok ng puso ko, kapag kasama ko ang asawa ko at nasa paligid siya tapos kinakabahan ng malakas, kumpara kapag nakikita ko noon ang dating commander officer sa CAT namin during highschool days ko. Ako lamang ang nakakaala