DRAVEN As per Lord Sebastian advised, hindi ko na pinapunta sa Maynila si Agatha. Tama siya, I should think carefully first and analyze the whole situation, bago magpasya ng isang bagay, lalo na’t related ito sa safety ng pamilya ko. Naging padalos-dalos na naman kasi ako at naging impulsive dahil sa nakita kong kondisyon ni Agatha. Kahit naman sinong asawa, kapag nasaksihan ang kundisyon ng mahal namin ay siguradong uunahin ang medical treatment niya para magamot siya, pero sa sitwasyon namin ngayon, may mga bagay na kailangan kong isaalang-alang bago gumawa nang hakbang. "How do you feel now, hon?" malambing na tanong ko sa asawa ko. Kadarating at kapapasok ko lang dito sa silid dahil sinamahan ko si Drake sa lugar kung saan nakadaong ang yate ko. Siya muna ang bahala sa baby ko para