DRAVEN Lahat nang mga tauhan ko na kasama namin dito sa bahay ay under investigation. Bawat profile at mga taong nakapaligid sa kanila at nakakausap nila ay hindi ligtas. Basta may kaugnayan sa kahit na sino sa kanila ay pina-i-imbestigahan ko at kasama na dito pati ang mga kamag-anak at kapamilya. Maging ang mga banks account at transaction history sa mga remittance center ay pinasuyod ko. I personally assigned one of my best team na alamin ang mga information na hinihingi ko and I want it on top of my table within twelve hours. Gusto kong makasiguro na wala ng natitirang spiya dito sa teritoryo ko ang hayop na Zi na 'yon. Inaalam ko na ang tunay na identity niya dahil nalaman kong hindi totoong Hanz Villanueva ang pangalan ni Zi. Upon Brady's investigation, front lang ni Zi ang an