DRAVEN Positive ang lumabas na resulta ng DNA test na ginawa kay Lord Sebastian at Zion San Francisco. It's proven na tama nga ang taong nakuha ko at hindi kami nagkamali ng pasukin namin ang teritoryo ni Zion para makuha siya. "It's about time, para bumalik ka na sa Pilipinas. Kami na ang bahala dito, Draven. Hinihintay ka na ni Declan doon," sabi ni Lord Sebastian na tinapik ako sa balikat. Sinunod ko ang naging pasya ng mga dating pinuno. Kami lang ni Tita Amara ang babalik sa Pilipinas at maiiwan dito sina Sofia at maging ang kapatid ko at si Elvie, pati na rin ang dalawang matandang kausap ko ngayon. Sakay ng itim at tinted na kotse, hinatid kami sa airport ng mga tauhan namin. Nasa compartment ng sasakyan sa likuran nakatali si Zion at siniguro kong kahit anong mangyari, hindi