DRAVEN Kabado ako kanina nang malaman kong nasa lobby ang asawa ko at nagbantang huwag na akong uuwi sa bahay kung hindi ko siya agad pupuntahan. Walang pakialam na iniwan ko ang boring na meeting sa harap ko at mabilis na bumaba. Hindi man halata ng iba, pero sobrang natuwa at na-surprise ako ng makita mismo ng mga mata ko ang magandang asawa ko dito mismo sa loob ng building na pag-aari ko. Hindi ko kasi talaga inaasahan na pupuntahan niya ako dito pero kahit ano pa ang dahilan niya, masaya akong pinuntahan at dinalaw ako dito ni Agatha. Everything turns out so well. Hindi nagalit sa akin si Agatha at maayos ang lahat sa amin kahit pa dinala ko siya dito sa hotel at pinagsabihan ako, dahil hindi niya nagustuhan na mahal pala ang price ng caviar na favorite ko. "Hon, huwag ka nang