DRAVEN Hindi madali ang gustong mangyari ni Lolo Sabby, pero kailangan kong gawin para sa asawa ko at magiging mga anak namin ng asawa ko. Alam kong kaya niyang protektahan si Agatha sa poder niya, kaya hindi na ako nag-reklamo na pansamantalang mananatili sa kanya ang babaeng mahal ko. Dalawang gabi ko nang pinanood ang asawa ko, hanggang sa makatulog siya. Ngayong araw rin ang libing ni Lolo Colin kaya maaga pa lang ay handa na kaming lahat. Lahat ay nakasuot ng purong itim at nagluluksa sa pagkawala ng aming dating pinuno. Matagal na naging lider ng Madrigal Mafia clan si Lolo Colin, bago napunta kay daddy ang posisyon at ipinasa sa akin noong nakaraang taon. Tahimik ang lahat, walang kahit anong ingay maliban sa huling basbas na iginawad ng pari sa harap. Umiiyak si Lola Irish, ka