DRAVEN Panay ang silip ko sa relong suot ko habang nakatayo sa harap ng altar at naghihintay pumasok sa pintuan ng malaking simbahan si Agatha. Pakiramdam ko ang tagal ng bawat sandaling lumipas. Halos hatakin ko na ang oras at hindi na ako mapakali dahil forty-five minutes ng late sa kasal namin si Agatha. "Wala pa ba?" kinakabahan na tanong ko sa katabi kong si Drew. Siya ang best man sa kasal ko, kapares ang kapatid ni Agatha na si Elvie. Sana lang hindi maging disaster ang paghaharap nila mamaya, dahil nakita mismo ng mga mata ko kung paano pinaputukan na naman ng baril ni Elvie si Drew na naiwasan naman agad nito. Mukhang natuto na ang kakambal ko at alam na niya kung anong gagawin ni Elvie sa kanya sa oras na nagkaharap sila. Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Drew at nilagy

