DRAVEN Walang kahit anong existence ni Agatha sa lugar ng pagsabog maliban sa nasunog na kapirasong hikaw. Ayon sa assessment at report sa akin ni Captain Galvez, masyadong malakas umano ang nangyaring explosion. High explosive ang ginamit na bomba, kaya kung may tao sa loob ng sasakyan, hindi malayong nagkapira-piraso umano ang katawan ng asawa ko. Sumunod na natagpuan ko ang sunog at kapirasong sandals na suot kanina ni Agatha. Lalo lamang akong nakaramdam ng takot na baka totoo ngang kasama siya sa pagsabog, pero ayaw itong paniwalaan ng puso ko. Hindi ko matanggap ang naging statement ni Captain Galvez, pero supported ito ng mga cctv footage na nakita ko at pinadala ni Ninong Alex kanina. Kahit isa sa mga videos mula sa mga cctv na nakapalibot sa buong lugar, wala akong nakitang lu