"Yes, mom," agad na sabi ko na tinapunan ng masamang tingin ang kapatid ko, dahil siguradong may ginawa na naman ito, kaya agad tumawag ang aming ina. "Hindi porke't malaki ka na, kaya matigas na ang ulo mo, Draven. Kailan ka pa nakipag-live in at nag-uuwi ng babae d'yan sa bahay mo? Ito na nga ba ang sinasabi ko na pumayag ang tatay mo na d'yan ka tumira ng mag-isa, kahit wala ka pa namang asawa," mahabang sermon ni mommy. Inaasahan ko na ito, dahil hindi talaga marunong magtago ng sikreto si Drake pagdating kay mommy. Mabuti pa si Drew at kahit paano ay marunong itikom ang bibig, hindi gaya nitong bunso namin na naka-ngisi na dahil alam niyang napagalitan ako dahil sa kagagawan niya. I respect my mom a lot. Ayaw ko na nagagalit siya at ako ang dahilan. Kulang na lang ay mapingot na na

