Chapter 51: Accidentally (2) THIRD PERSON'S P.O.V Sa loob kasi ng nakalipas na dalawang linggo ay madalang na lang kung uwian si Erin ng asawa niya. Kaya naman nagpasiya sa araw na iyon sa sundan si Atticus sa pagpasok nito. Naghintay si Erin ng buong araw sa kotse niya dahil titingnan din ni Erin kung saan pupunta si Atticus pag-uwi nito galing trabaho. Kaya naman ng makita ni Erin na lumabas ng company building si Atticus ay agad niyang pinaandar ang makina ng sasakyan niya. Siniguro rin ni Erin na may kaunting distansya siya sa sasakyan ni Atticus para hindi nito mapansin na sinusundan niya ito. Naging matagumpay naman ang pagsunod ni Erin at agad na nangunot ang noo niya ng makita niyang pumarada si Atticus sa flower shop ng ina nito. Nang makapasok na ang lalaki sa flower shop