Chapter 31: Left THIRD PERSON'S P.O.V "Atticus! Ano itong sinasabi ni Erin na ikaw ang nagmarka sa kanya?" seryosong tanong ng Male Omega mother ni Atticus. At dahil sa sinabi nito ay hindi agad nakakibo si Atticus. Pagkauwi kasi nila Atticus at Erin galing sa school ay agad silang pinatawag ng mga magulang ni Atticus. Hindi naman alam ni Atticus na alam na ng mga magulang niya ang ginawa nila ni Erin na pagpe-pair. Kaya naman napa isip si Atticus na lalong hindi na siya makakawala kay Erin. At mula sa araw na iyon ay hindi na rin sigurado ni Atticus kung makikita pa niya si Blaine dahil kailangan niya na magpokus kay Erin. Dahil kapag hindi niya ginawa iyon ay hindi alam ni Atticus ang gagawin ng mga magulang niya kapag nagalit ang mga ito sa kanya. "Y-yes, mom... I marked her, b-b