Chapter 59: New THIRD PERSON'S P.O.V "Tapos mo na bang i-decorate yung pinapakisuyo ko sa'yo, hijo?" nakangiting tanong ni Cesar kay Blaine. Agad namang napalingon si Blaine at saka itinaas ang vase saka pinakita kay Cesar na tapos niya ng ayusin ang mga bulaklak na pina-arrange ni Cesar kay Blaine. "Woah! Sobrang talented mo talaga sa pag-aarrange, Blaine! Thank you ha?" nakangiting sabi naman ni Cesar kaya naman mas napangiti si Blaine. "Naku, walang anuman po! Masaya na ako na may naitutulong ako sa inyo kahit papaano. Siya nga po pala si Attilaine po?" tanong naman ni Blaine. "Ah 'yung anak mo? Andun sa lolo niya. Abala sa pakikipaglaro. Miss na miss ba naman ng asawa ko yung apo namin. Bakit kasi ngayon na lang ulit kayo bumisita eh," naiiling habang nakangiti naman na turan ni