Chapter 28: Confrontations (2) THIRD PERSON'S P.O.V Sa kalagitnaan ng game ay napansin ni Blaine na nakakalamang na sila sa mga kalaban nilang team. Tambak kasi ng sampung puntos ang kalaban at hindi pa makapuntos ang mga ito basta dahil naaagaw ni Rhys at Atticus ang bola. May mga time pa nga na hindi nagkakasundo si Rhys at Atticus. Nagpapatigasan pa ang mga ito minsan kung kanino ipapasa ang bola kahit na minsan ay sila lang naman ang malapit sa isa't-isa. Kaya naman ng matapos ang 2nd quarter ng game ay nakalamang na sila ng 12 points. Napansin naman ni Blaine na masama ang tingin sa kanila ng kalaban nilang team. At hindi alam ni Blaine kung bakit kinakabahan pa rin siya kahit hindi naman sure na makakasama siya sa mismong game. "Good job guys! Please rest for a bit. Kailangan