Chapter 56: Changes BLAINE'S P.O.V "Pasensya na sa paghihintay. Pinatulog ko pa kasi ang anak kong makulit," nakangiting sabi ko kila Rhys at Bailey. Pagkatapos nun ay agad kong nilapag ang tray na may lamang juice at snacks. Limang araw na ang nakakalipas simula ng makalabas ako sa hospital. At sa nakalipas na ilang araw na iyon ay nailakad na rin ang annulment papers nila Erin at Atticus. Tuluyan na ring lumipad sa ibang bansa si Erin dahil iyon ang napagdesisyunan ng pamilya niya. Kaya naman nakiusap sa akin si Atticus kung papayag ba kami na tumira sa poder niya. Nung una ay ayaw ng magulang ni Atticus na ibigay kaming mag-ina pero dahil nakita kong desidido si Atticus na makasama kaming mag-ina ay pinakiusapan ko ang ina ni Atticus. "Pasensya ka na, Blaine ah? Ngayon lang kami