Chapter 54: Goodbyes THIRD PERSON'S P.O.V Nang maisugod sa hospital si Blaine ay agad namang binalita ni Atticus ang nangyari kay Blaine sa magulang niya. Kaya naman hindi agad nakauwi ang parents ni Atticus sa bahay nila dahil aalang-alala ang mga ito ng isugod si Blaine sa hospital. At dahil sa iisang hospital lang din nila sila Erin at Blaine ay nakabalik din agad sila Cesar sa hospital. Ilang oras din silang naghintay sa doctor kaya naman hindi mapalagay si Atticus ng mga sandaling iyon. Nang nakalabas na rin sa wakas ang doctor ay agad na lumapit si Atticus dito at ganun din naman ang ginawa ng magulang niya. "K-kumusta po ang lagay niya, Doc?" nag-aalalang tanong ni Atticus. "Huwag po kayong mag-alala. Nasa mabuting lagay na po ang pasyente. Kaunting galos lang naman ang nat