Prologue
10 years ago...
Brando's POV
“LEAVE me alone!” That voice echoed like thunder inside the locker room.
Mula sa tinitingnan na litrato ay umangat ang mga mata ni Brando sa pinto ng kwartong nakasara. Boses iyon ng isang lalaki na parang galit na galit.
Napakunot noo siya. Tahimik naman ang locker room ng mga varsity player ng unibersidad. Wala nga siya halos nasalubong na baskebolista, pero ang sabi sa kanya ng kanyang napagtanungan na estudyante, narito ang kanyang hinahanap.
Fuck. Kailan pa ba siya naging babysitter? Hindi naman siya makatanggi sa kanyang ina na sunduin sa praktis ang anak ng boyfriend no'n na Mayor. Hawak niya ang cellphone ng ina dahil wala siyang cellphone. Kapag masa bakasyon siya rito sa Caramoan, hindi siya nagdadala ng anumang gadget liban sa kanyang mamahaling camera.
He just arrived yesterday from Manila. He was thinking about this offer of studying abroad, particularly in the U.S. Nandito siya para sumangguni sa kanyang ina dahil ang magpapaaral sa kanya ay ang pamilya ng kanyang namayapang ama.
Since Brando was born, he was designated to become a cop or any profession related to that, serving the government and implementing the rules and the law. Kung siya ay mag-iibang bansa, gusto niyang maging air force. He loves the sky. It was his father's dream for him, pero dito lang sa Pinas. Sa kasamaang palad ay maagang namatay ang kanyang amang pulis at hindi na siya nakita na nakasakay sa sasakyang panghimpapawid na pandigma. Naiwan sa kanya ang kanyang ina, na makalipas ang tatlong taon ng pagkawala ng Daddy niya ay nakahanap na ng bagong pag-ibig ang ina niya, sa isang lalaking pulitiko at isang single Dad.
“Hey, kid,” he grabbed the student's arm who was about to walk past him, “Nandito ba ito si Atasha?” Tanong niya.
Tumingin naman ang lalaki sa hawak niya at tumango.
“Ah, si Charlie. Nandoon sa loob, magpapa-iskor ata kay David,” nakangisi na sambit ng lalaki kaya napakunot noo siya.
Damn.
“She is just thirteen, Brando. Be gentle and don't scare her,” iyon ang sinabi ni Margarita sa kanya sa pagkakatanda niya.
Trese.
Agad niyang nabitiwan ang braso ng estudyante at mabilis na humakbang.
“I told you to stay away from me! Wala ma tayo! Break na tayo! Ayoko sa paslit na hindi marunong magbaba ng panty niya para patunayan na mahal ako! If you love your stupid father and you respect his rules, then fine! Magsama kayo ni Mayor! Maraming babae sa paligid na nagkakandarapa sa akin, Charlie, handang mag-offer ng virginity.”
Uminit ang ulo ni Brando nang marinig ang paghikbi ng isang babae.
Mukhang isa sa mga shower room ang inuukupa ng dalawa.
“Ni hindi ka nga makatingin sa p*********i ko tapos papasok ka rito para makipag-usap. When a woman enters my locker room, she doesn't walk out just like that. Kung hindi mo kaya ang sinasabi ko, alis na!”
“K-Kaya!” Mabilis na sagot ng babae kaya napatanga siya lalo.
“Really?” Parang nasisiyahan na tanong ng lalaki.
He was walking carefully, gentle as he could. Nakatingin siya sa ibaba ng mga shower room hanggang makakita siya ng paa, naka-rubber shoes, original Adidas.
“Pull down your panties then, baby,” the man commanded as if horny.
“O-Okay.” parang takot na sagot ng babae na waring napipilitan sa gagawin.
Kaagad na binuksan ni Brando ang kurtina ng shower room at tumambad sa kanya ang hubad na lalaki, matangkad, mestiso, gwapo pero mas tiningnan niya ang babae na nasa harap nito, nakalilis ang palda na pang-cheering squad at hawak ang garter ng bloomer at panty.
Atasha Charlie.
Nag-igting ang mga panga niya.
“Labas!” Singhal niya sa dalagita na nanlaki ang mga mata, “Wait for me at the door!”
“Sino ka?!” Paasik na tanong ng lalaki sa kanya.
“W-Who are you?” Mahinhin naman na tanong ng babae, malambing.
“Sino ako?! Gigil na sagot niya sa lalaking kaharap saka niya isinapak sa mukha nito ang hawak niyang litrato.
“Ako lang naman ang kuya ng menor na pinaghuhubad mo, hayop ka!”
Nagtitili ang batang babae papalabas, “I don't have a kuya po, sir.”
“Dati ‘yon. Ngayon ay meron na. At hangga't nandito ako, walang iho de putang pwedeng manloko sa iyo, tulad ng gago na ito!”
Inundayan ni Brando ng suntok ang varsity player, hindi lang isa kung hindi tatlo.
AFTER dealing with that varsity who never got the chance to fight back, Brando left the poor guy with a bleeding mouth and nose.
Hanggang sa mga sandali na ito ay hindi mawaglit sa isip niya ang nakita niyang eksena. f**k. She was only thirteen, and that man was a College student. Kulang lang ng kaunti ang edad ng lalaki na iyon sa kanyang edad.
Hinarap niya si Atasha sa may pinto ng locker, parang nahihiya at natatakot sa kanya lalo nang makita ang may dugo niyang kamao, and he just grabbed her hand, put her inside his Maserati. Inihatid niya ang bata sa bahay ni Mayor Deigo del Carmen, tapos ay wala siyang imik na umalis.
Ni hindi sila nag-usap kahit katiting man.
Natigil ang pagkuha niya ng litrato sa kalangitan nang biglang mag-ingay ang pinto.
"Brando!" bulalas ni Margarita at halos maapakan ang mahabang bestida dahil sa pagmamadali.
Nasa lawn lang naman siya at hindi pa niya pormal na nakikilala ang boyfriend ng kanyang butihing ina.
"Brando, may pulis!" nag-aalala na sambit nito at itinaas na lang niya ang kamay niya.
Sa likod ni Margarita ay may mga pulis na sumusunod.
"What did you do?!" mangiyak-ngiyak na tanong nito.
"May reklamo sa iyo si Gobernador! Nambugbog ka ng anak niya?! Kailan? Saan at...at bakiiiiiit? I will die. I will die!" tumirik ang mga mata nito at hinawakan ang dibdib, saka lumiyad.
Sinalo niya ito, "Will you calm down?" relax na sabi niya rito kaya animo ay nabuhay ito.
"Calm down? How, Brando? How?"
"Mom, please shut up. Walang mangyayari kung paiiralin mo ang pagiging artista mo. Wala tayo sa best actress awarding night. Let these cops talk to me. Baka nakakalimutan mo na pulis ang ama ko at pulis ang lahat ng kapamilya ko."
Napaisip ito, "Y-Yeah, yeah. Right. You know what to do. Right...pero anak...gobernador iyon..." nakangiwi nitong dagdag.
"Kahit pa presidente ng Pilipinas, Mom. I would never care as long as I am right." aniya saka tiningnan ang dalawang pulis, "I'll just get my shirt. Sasama ako sa inyo."
Napatanga si Margarita sa mga kilos at sinasabi niya. Nagtataka malamang ito dahil napakalaki na ng kanyang ipinagbago mula nang mawala ang kanyang ama.