TORN DANGER ROSS __ Maghapon na kaming nasa bakuran. Umiikot lang sa buong paligid dahil hindi pa raw siya nakakaikot. Surprisingly, pinayagan kami ni Esther. I was just a bit confused... bago pa lang ako bilang bodyguard nito ngunit hinahayaan niya ang batang sumama sa akin nang tila ba hindi nag-aalala. I was wondering... kung ganoon na ba talaga kalaki ang tiwala niya sa akin. Nakabalik na kami sa mansion ngunit gusto pa nitong magtayo kami ng bahay-bahayan sa loob mismo ng mansion. Ang sabi ni Sarem lagi niya iyong ginagawa kaya tumulong na lang ako sa kanilang mag-ayos. Halos kumot ang ginamit namin sa pangtaklob. Ako ang nagtali ng mga dulo para isabit at hindi bumagsak. "Stay here, okay? I'm going to get my toys and my books! I want you to read for me, Mr. BG." She sounded