TORN DANGER ROSS __ Tila nakalutang pa rin ako habang buhat ang anak kong... wala nang buhay. Everything was still blurred. Everything still felt like a dream. Hindi ko nararamdaman ang paligid ko. Hindi ko maramdaman ang mundo. Ang didbib ko lang na tila mayroong ilang milyong kutsilyo ang nakabaon ang nararamdaman ko. I couldn't hear anything aside from her... calling me. Madilim na sa kakahuyan ngunit nagbibigay ng liwanag ang buwan na madalas niyang tingnan sa tuwing lalabas kami. She would always tell me how enchanting and mysterious the moon was... having a different face each night. I loved taking her into the woods at night, sakay siya sa mga balikat ko habang tumatawag siya ng multo, and I never expected... may darating na isang gabi na bubuhatin ko siya sa mga bisig ko at