TORN DANGER ROSS __ Lumayo na muna ako sa ilang araw. Hindi ko gustong ibunton sa kaniya lahat ng galit ko sa sarili ko. I didn't want to hurt my child too. That was not my intention. Gusto kong ayusin ang sarili ko para makaharap ako nang maayos sa kaniya nang hindi siya sinasaktan sa kahit anong paraan. I regretted what I did last time. That was so childish. Nakasalubong ko si Peric habang papunta ako sa hagdan. Huminto rin ito nang makita ako. "Kumusta siya?" I asked. Binigyan niya ako nang matalim na tingin. "Ano sa tingin mo? Asshole." Nilagpasan rin ako nito. I just didn't make that a big deal. Nagsimula na akong umakyat ng hagdan. Nakaakyat na ako nang makita ko si Sarem. May bitbit itong tray na tila galing sa silid ni Uri. "Mr. Pierre..." "Si Esther?" malumanay na tanon