EMMANUELLA ESTHER DE VERA __ Nagising ako na para bang may naaamoy na bagong pitas na bulaklak ang ilong ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Madilim pa ang paligid pero bigla iyong nagliwanag nang may taong humawi sa kurtina. Muling bahagyang pumikit ang mga mata ko sa sinag ng araw. Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin. Muli kong sinubukang buksan ang mga mata ko at nakita si Sarem. "Biyernes a-trese ho kahapon at hayun at nadisgrasya nga ho kayo." It was too early to deal with Sarem. Dumapo ang mga mata ko sa mga bulaklak na nasa ibabaw ng kama. Mga puti at pulang rosas ang mga iyon. "Pinagpitas ho kayo ng bulaklak ni Mr. Pierre. Kanina pa ho siya umalis. Nagpaalam naman ho ng halik sa inyo kaya lang mukhang nahimbing na mahimbing ang inyong tulog at mukhang pa