EMMANUELLA ESTHER DE VERA __ "Ms. Esther, nandiyan na si Mr. Borito." I pursed my lips after putting on lip gloss. "Nasa porch po sila. Papaliguan ko na ho ang anak ninyo." Muli kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin bago ako tumayo mula sa silya. Papunta pa lang ako sa direksyon ng mga ito, napansin ko na ang isang pamilyar na pigurang nandoon. Bumaling din agad sa akin si Mr. Borito nang makita ako. Puno ng discomfort at disappointment ang mukha nito ngunit nandoon din ang amusement. "Oh... they are right... napaka-ganda n'yo nga ho talaga sa personal, Ms. Esther. It's my pleasure to meet you. I am Raw Bonito." Inabot ko ang kamay niya. "Take a seat." "Ah, may dala nga pala akong... cake para sa'yo at bulaklak. Hindi ko alam na may malaki ka palang hardin dito." Hindi ko na