EMMANUELA ESTHER DE VERA __ "Ms. Esther," sambit ng ginoo na tila nabiglang makita ako sa loob ng opisina niya. Tumayo agad ito at inayos ang suot na coat. Sinundan ko ng tingin ang pangalan nito na nakakabit sa kaliwang dibdib. Dr. Serio Ferido. "Hindi ko inaasahan ang iyong pagdating. Maupo ka." Bumaba ako sa silya na nasa harap ng mesa nito. Pinagsalop ng mga ito ang mga palad na tila ba kinakabahan at natataranta. "Nasa libing ako ng Ama mo noong nakaraan. Alam kong mahirap iyon para sa iyo at totoong nabigla akong makita ka rito ngayon. P-pwuede ko bang malaman kung anong maitutulong ko sa iyo?" Binaba ko ang isang envelope sa ibabaw ng mesa nang hindi tinatanggal ang tingin sa mga mata niya. Mukhang nagtataka ngunit kinuha niya ang envelope at tiningnan ang mga papel na laman