SOFIA Napa-ngisi ako ng makita kong nanlaki ang mga mata ng lalaking kaharap ko matapos akong titigan at mukhang napagtanto niya kung sino ako. “Hayop ka! Pakawalan mo ako ditong babae ka!” galit na sigaw sa akin ni Benjamin Homes. Kumakawag at nagpumiglas ang kapatid ni Roxy ng makita ako pero wala siyang nagawa para makawala sa matibay na kadenang nakatali sa kaniyang mga kamay at paa. “Paano kung ayaw ko?” naka-ngising tanong ko sa kaniya. “Ano'ng gagawin mo? Ipag-uutos mo ulit na ipagahasa ako sa mga lampang tauhan mo?” Napalunok ang lalaking kaharap ko. Bakas sa mukha niya ang takot dahil alam niya na may ginawa siyang kasalanan sa akin at sa naranasan niya dito sa loob ng dungeon, siguradong alam niya na posibleng masaktan rin siya sa mga kamay ko, katulad ng ginawa sa kaniya

