SOFIA Kahit alam ko na may tracker na nakakabit sa singsing na suot ko ay hindi ako nag-salita para magtanong kay Chase kung bakit niya ito nilagyan ng tracking device. Hindi ko muna kinausap si Chase tungkol dito at nagkunwari na lang na wala akong alam sa ginawa niya, habang nakaupo ako sa kaniyang tabi at tahimik na nakikinig sa usapan nila ng mga magulang ko. Mahirap na kung magrereklamo agad ako. Kaharap namin ngayon ang mga magulang ko at siguradong hindi nila magugustuhan kapag nalaman nila kung ano ang ginawa ng lalaking katabi ko. “Since, pumayag na ang anak ko, mabuting maikasal kayo in two weeks bago pa lumaki ang tiyan ni Sofie.” Narinig kong sabi ni daddy, kaya napatingin ako sa kanilang dalawa ng aking ina. “Jaxon, hindi ba masyadong mabilis ang dalawang linggo para sa

