SOFIA Talagang pinagod ko si Chase, kaya hapon na nang magising kaming dalawa. Namimigat ang talukap ng mga mata na nagmulat ako ng naramdaman kong dumampi ang mainit na labi niya sa pisngi ko. “Honey, it's time for lunch,” malambing na bulong sa akin ni Chase. Pumikit ako at niyakap ko siya. “Mamaya na lang, Chase. Ang sakit ng ulo ko, tapos inaantok pa talaga ako.” “Hapon na, honey,” sabi pa niya pero wala akong lakas para bumangon ngayon. All I want right now is, matulog habang balot ng makapal na kumot. Hinayaan naman ako ni Chase, kaya nakatulog ulit ako. Masakit kasi sa ulo ang puyat at isa sa pinaka-ayaw ko ay ginigising ako kapag malalim ang tulog ko. Four o'clock nang magising ulit ako. Wala na si Chase sa tabi ko at hindi ko rin siya nakita dito sa loob ng silid niya. I

