SOFIA Pinigilan ko ang aking sarili na matalo ng emosyon ko dahil nakikita ko kung paano umiyak sa harap ko si Chase. Pinakita ko sa kaniya na matatag ako at hindi ako apektado kahit nagmamakaawa siya sa harap ko. Isang bahagi ng puso ko ang gusto ko na siyang patawarin dahil nakikita ko naman na nagsisisi na siya, pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka kapag pinatawad ko agad si Chase ngayon ay i-take for granted niya ang pagkakataong ibibigay ko sa kaniya at maulit na naman ang nangyari noon. “Inaantok na ako,” tanging sabi ko kay Chase dahil ayaw kong humaba ang usapan naming dalawa. Alam ko sa sarili ko na kaunti na lang ay baka hindi ko kayanin at bigla ay patawarin ko siya. Although okay na ako, hindi na rin ako galit sa kaniya at nawala na ang tampo ko. Pero hanggang ngayon

