Basta ko na lang nahabi ang kasinungalingan na sinabi ko para tigilan na niya ako. Nang tumunog ang doorbell ay agad akong tumayo pero hinawakan niya ako sa braso para pigilan. “Stay here.” Mabilis siyang tumalikod at naglakad palapit sa pintuan at iniwan akong nakatayo at nakasunod ang mga mata sa kaniya. Dumating na pala ang pagkain namin. Pinapasok niya ang waitress, dala ang tray at inilapag sa maliit na mesa sa sulok. Nang sumara ang pintuan at nakaalis na ang waitress ay tumayo na ako at lumapit sa mesa para kumain. Tamang-tama lang para sa amin ang sukat ng table. Good for two person, kaya kasya kaming dalawa ni Chase Mondragon. Dahil nagugutom na talaga ako ay walang kime na umupo na ako at kinuha ang pagkaing order ko. Nagsimula akong kumain at hindi kinibo ang lalaking ka

