Chapter 68

2112 Words

SOFIA Pabalibag na binuksan at sinara ni Roxy ang pintuan nang lumabas siya dito sa apartment ko. Agad namang lumapit sa akin si Ate Em na katulad ko rin ay nagtataka kung paano nakapasok ang babaeng iyon dito gayong naka-lock naman ang pintuan. “Sofie, hindi ko talaga alam kung paano siya nakapasok. Ang alam ko ay naka-lock naman ang pinto bago ako pumunta sa silid ko kanina para mag-impake,” paliwanag ni Ate Em sa akin. “Wala tayong CCTV camera dito sa loob para malaman natin kung ano ang nangyari,” walang emosyon na sabi ko kay Ate Em. “Tapos ka na bang mag-impake?” “Oo, kaunti lang naman ang dinala natin pagpunta dito. Puwede na tayong umalis,” sagot ni Ate Em sa tanong ko. Nag-book ako ng taxi pero bago ako umalis ay nagbago ang isip ko. “Maiwan ka dito, Ate Em,” sabi ko sa k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD