SOFIA Naging abala ako matapos kong manggaling sa silid ng kaibigan ni Chase. May sinugod kasing pasyente around one o'clock kaninang madaling araw at nag-aagaw buhay, kaya kinailangan kong manatili sa operating room sa loob ng anim na oras. Pagod na pagod ang pakiramdam ko nang lumabas ako sa theater. Unsuccessful ang operation ko dahil hindi na talaga kinaya ng katawan ng pasyente ko, kaya namatay rin ito. Isa ito sa pinakamahirap na experience naming lahat sa loob ng theater dahil masakit sa amin na hindi namin nagawang isalba ang buhay ng pasyenteng hawak namin. Critical na ito ng dalhin dito sa ospital dahil sa car accident na kinasangkutan nito. Ginawa naman namin ang lahat pero sadyang hindi na talaga kinaya ng pasyente. Laglag ang balikat na lumabas ako ng operating room. A

