CHASE “Ang bibig mo, isara mo, Chase at baka pasukan ng langaw.” Narinig kong sabi ni Alvin habang nakasunod ang mga mata ko kay Sofie na nawala sa paningin ko nang sumara ang pintuan. “Manahimik ka, Alvin. Baka bumuka ang sugat mo, pagagalitan ka ni doktora,” sabi naman ni Chona sa asawa. “Ano'ng nakakatawa?” lukot ang mukha na tanong ko kay Alvin. “Matanda ka na raw, Chase, sabi ni doktora,” naka-ngising sagot ni Alvin na alam kong nagpipigil matawa dahil nakita niya ang nangyaring pagtataray ni Sofie sa akin kanina. Lintik, kasalanan ito ni Roxy, eh. Okay na sana kami kanina ni Sofie. She even agreed to marry me and hugged me, nang nalaman niyang binilhan ko siya ng damit na isusuot. May bunos pa na kiss kanina, kaya tuwang-tuwa ako dahil bihira lang maglambing si Sofie pero righ