Chapter 107

2313 Words

SOFIA Agad akong lumapit kay Chase at tinulungan ko siyang makatayo mula sa sahig. Awang-awa ako sa sinapit niya sa kamay ng mga magulang ko, lalo na kay daddy na hanggang ngayon ay nagpupuyos pa rin sa galit dahil sa nalaman niyang buntis ako at kasal na kaming dalawa ng asawa ko. Kahit pinigilan niya ako ay tinulungan ko pa rin si Chase. Kahit sapo niya ang tiyan ay nagawa pa niyang tumayo ng tuwid at humarap sa mga magulang ko. “Ikaw na magaling na lalaki ka, mag-uusap tayong mabuti!” mainit ang ulo na singhal ni daddy kay Chase. Hindi nakaligtas sa mga mata ko kung paano umismid si mommy. “Bakit pa kayo mag-uusap? Bakit hindi mo na lang itapon agad sa labas ang lalaking iyan?” magkasunod na tanong ni mommy kay daddy. Tinapunan muna ako ng masamang tingin ng aking ama bago tumin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD