CHASE Kahit araw ng sabado ngayon ay pumunta ako sa kompanya ko, kasama si Agent Ducay dahil tanging siya lamang ang makakatulong sa akin na mahanap ang mga spy camera na iniwan ni Sofie sa loob ng opisina ko, kung sakaling meron man. Ayaw kong isama si Roxy kahit alam ko na matutulungan niya ako sa paghahanap ng mga spy camera dahil personal sa akin ang lahat ng ito. Tungkol ito sa aming dalawa ni Sofie at labas siya dito. Dahil sabado ngayon at walang pasok, kaya walang mga tao sa loob ng building, maliban sa apat na security guard na nagbabantay sa labas ng gate at sa entrance. “Good morning, boss,” bati agad sa akin ng mga ito ng makita nila akong papasok. Tinanguan ko lang sila at mabilis na naglakad papasok sa loob ng building na pag-aari ko, kasama si Agent Ducay. Gàmit ang go

