Hinihintay kong makialam ang mga bodyguards n'ya na nakaconvoy sa'min pero wala. Tanging ang dalawa lang na kasama namin ang nandito. Lumapit sila sa'min pero agad silang sinuntok ni Trixon. Sinubukan din ni Heber na gumanti pero naunahan s'ya ni Trixon. "Who are you?" galit na sigaw ni Heber. Pinunasan nya ang gilid ng labi nya at napangiwi ng makita ang dugo roon. "Ask yourself." Walang emosyong sagot ni Trixon bago ako hinila palayo. "What are you going to do with my fiancee?" Huminto si Trixon sa paglalakad, bumaling sakin bago kay Heber. Nagbalik-balik ang tingin nya sa'ming dalawa. "Fiancee?" Tanong nya sa'min. "Yes fiancee. She's my fiancee so leave her to me or I'll send you to hell." Maangas na sinabi ni Heber. Bumaling sakin si Trixon. Gusto kong sabihing hindi iyon totoo