"Hindi kaya. Mas mahal kita. Sobrang lalim na nga. At hindi na talaga ako mabubuhay kapag wala ka. Kaya Trixon! Don't you dare leave me or else..." Mariing sinabi ko habang paulit-ulit na dinuduro ang dibdib n'ya. Nagtaas s'ya ng isang kilay at hinawakan ang kamay ko. "What?" Tukso n'ya. "Or else... I'll follow you." Yumuko at dahil naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Nahahawa na rin ako sa kadramahan nitong si Trixon. Hinawak n'ya ang baba ko at inangat para magtama ang paningin namin. "You don't have to follow me. Because from the very first, I won't leave you, okay?" I nodded. Niyakap n'ya ako at mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. Agad kong pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi ko. Ang drama namin. Biglang lumuhod si Trixon, tumapat s'ya sa tiyan ko. "Right baby? Dapa