"They are Audrey and Lawrence." Simpleng pagpapakilala ni Trixie sa'min. "You eat more vegetables." Alok ni Lawrence habang nilalagyan ng mga gulay ang pinggan kong hindi pa nangangahalati ang laman. "Thanks." Ayoko ng ipahiya pa s'ya kaya kahit ayoko, kinain ko 'yon. Para rin sa baby ko. "Saan pala kayo galing n'yan?" Si Kurt naman ang nagtanong. "Seminar lang dude." "Seminar? For what?" Takang tanong ni Trixie. "Seminar about pregnancy." Bago ko pa mapigilan si Lawrence, nasabi na n'ya kaya tinitigan ko s'ya ng masama. Nagsisi naman s'ya pero huli na dahil nasa akin lahat ang mga mata nila. Pero mas mabigat ang tinging ibinibigay sa'kin ni Trixon. "You're pregnant?" Tuwang-tuwang tanong ng b***h. What's with that enthusiasm? Umirap ako sa kanya kaya napangiwi s'ya. "Not yet. B