Pagmulat ko ng mga mata ko, natulala lang ako. Pinagmasdan ko ang kisame ng kwarto ko. Kung bakit ako nandito ngayon ay hindi ko na talaga alam. Sa tuwing naalala ko ang nangyari kagabi, iniisip kong panaginip lang iyon. Pero 'yung sakit at bigat na nararamdaman ko, alam kong hindi 'yun basta bangungot. Pumasok ako sa cr. Pinagmasdan ko ang mga mata kong mugto. Pagod na pagod na akong umiyak. Pero sa tuwing mararamdaman ko ang bigat, mas lalo akong nahihirapan. Ayoko munang isipin kung ano ang mga narinig at nakita ko kagabi. Gusto kong isiping panaginip yun, isang bangungot dahil napakaimposible. "She cried and cried in my car until she slept in too much frustration." dinig kong sinabi ni Lawrence. Nasa likod sila ng bahay namin at umiinom ng kape. "Audrey." tawag ni dad. Nasa tabi nya