Napaupo ako sa kama dahil sa gulat ng biglang bumukas ang pinto. Nagiging magugulatin yata ako. "Audrey." Agad akong dinaluhan ni Trixon. Inalalayan n'ya ang baywang ko at hinawakan ang braso ko. Dinampian n'ya ng halik ang noo ko. Umiwas ako pero ginawa pa rin n'ya. Hinalikan din n'ya ang mata ko kaya napapikit ako. Umirap ako sa kanya at marahas na hinawi ang kamay n'ya. Fuck! Alam kong mugto iyon. At ayokong isipin n'ya na umiiyak ako dahil sa kanya kahit na iyon naman ang totoo. "Magpahinga ka muna." Umirap ulit ako. Hindi ako makatingin sa mga mata n'ya dahil ayoko na! Alam kong malulunod lamang ako kapag ginawa ko iyon. Natatakot ako na baka hindi na ako makaahon. Bahagya ko s'ya tinulak at saka ako humiga sa kama. Pumikit ako at tinalikuran s'ya. Naramdaman ko ang paglapit n'