"Trixie?" Lahat kami napalingon sa nagsalita. Pero hindi sa kanya bumagsak ang paningin ko kundi sa lalaking katabi n'ya. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko, binalewala ko na lang dahil wala lang naman talaga 'yun. "Faith." So magkakilala pala sila? Sa lahat naman ng bitches ni Trixon, s'ya lang yata ang nakilala n'ya, except from me. Umikot na naman ang mga mata ko ng maalala ang nangyari sa cr ng bar na ito. Iniwan n'ya ako para sa b***h na 'yan? Tss, magsama sila. "Let's go, Lawrence? Are you okay?" Bulong ko ng mapansing namumutla s'ya at nakayuko. Hinawakan ko ang kamay n'ya at ramdam ko ang panlalamig noon. "Let's go?" Tanong ko ng bumaling s'ya sa'kin. "Excuse us." Hinila ko na rin si Lawrence para makatayo. I'm too obvious I know. But I'm not risking anything to stay with